Mental health ng publiko at kalusugan ng mga kabataang Pilipino, kabilang sa mga prayoridad ng RMN Foundation

Bukod sa pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang Pilipino na biktima ng mga kalamidad, kabilang din sa mga prayoridad ng RMN Foundation Inc., ang pangangalaga sa mental health ng publiko lalo na sa mga kabataan.

Ayon kay Foundation Vice President for Operations Enrique “Ikey” Canoy, consistent din ang kanilang team sa pagtutok sa pangangalaga sa kapaligiran.

Kabilang na rito ang pagtatanim ng mangrove trees, paglilinis sa coastal areas at iba pa.


Ngayong araw ay lumagda sa kasunduan ang RMN Foundation at ang Metrobank Foundation na may layong mapabilis ang paghahatid ng tulong sa mga sinalanta ng flashflood sa Visayas.

Facebook Comments