
Iginiit ng Palasyo na walang batayan ang alegasyon ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na political persecution ang mga kasong kinakaharap niya sa Pilipinas.
Ito’y matapos kumpirmahin ng Department of the Interior and Local Government o DILG na ibinasura ang aplikasyon ni Roque para sa asylum sa Austria.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, hindi pulitika kundi mga kasong may kaukulang rekord at ebidensya ang dahilan ng legal na aksyon laban kay Roque.
Kabilang sa mga kasong nabanggit ang human trafficking, land grabbing at tax evasion.
Giit ng Palasyo, malinaw sa mga rekord at ebidensya ang kinakaharap na kaso ni Roque at hindi ito usapin ng political persecution.
Facebook Comments










