Necrological service para kay dating PNP Chief Cascolan, isasagawa sa Kampo Krame

Magsasagawa ng necrological service ang Pambansang Pulisya para kay dating Philippine National Police (PNP) Chief Camilo Cascolan.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, isasagawa ito sa PNP Multi-Purpose Center mamayang alas-7:00 ng gabi.

Sinabi pa ni Fajardo, na lingering illness ang ikinamatay ni Cascolan batay na rin sa isinagawang pagsusuri ng medico legal officer ng PNP.


Nilinaw ng PNP na medico legal ang nagsagawa ng pagsusuri base na rin sa kahilingan ng pamilya noong araw na ito ay mamatay dahil out of town ang kanyang attending physician.

Nagkausap naman daw ang medico legal officer at attending physician at nagkasundo sa kanyang cause of death.

Kailangan kasing madeklara ang kanyang cause of death at makapag-isyu ng death certificate.

Sinabi pa ni Fajardo na ipinauubaya na nila sa pamilya ang iba pang isyu sa pagkamatay ng dating hepe ng PNP bilang respeto sa mga ito.

Facebook Comments