
Inanunsyo ng Manila Electric Company (Meralco) ang P0.7499 kada kWh na bawas-singil sa kuryente ngayong Mayo.
Bunga nito, magiging P12.2628 na lamang ang kada kWh na rate para sa pangkaraniwang pamilya.
Nangangahulugan ito na sa mga tipikal na customer na kumokonsumo ng 200 kWh kada buwan, katumbas ito ng P150 na bawas sa kanilang kabuuang bill.
Ang bawas-singil ng Meralco ay bunga ngayon ng mas mababang generation at transmission charges.
Ipinaliwanag ni Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga na ang mas mababang generation charge ay dahil sa bawas sa singil mula sa WESM at mga Independent Power Producer (IPP).
Facebook Comments