Saturday, August 29, 2026

PNP, inihahanda na ang mga tauhan nito para sa paggamit ng bagong body-worn camera na may AI

Inihahanda na ng Philippine National Police (PNP) ang mga unit at personnel nito para sa mga bagong body-worn cameras na may Artificial Intelligence o AI.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang nasabing AI-enabled body cameras ay magpapalakas sa pagdodokumento ng mga police operations nang mas klaro at mas maasahang footage.

Aniya, makakatulong ito para mapreserba ang mga ebidensya, masuportahan ang mga isasagawang imbestigasyon at pananagutan ng mga personnel.

Ayon pa kay Nartatez ang ganitong teknolohiya ay magpoprotekta hindi lamang sa publiko kundi pati sa mga pulis para makita ang tunay na pangyayari habang isinasagawa ang mga operasyon.

Tiniyak naman nito sa publiko na ang mga body cameras ay gagamitin ng mga pulis para sa transparency at accountability sa mga operasyon at naaayon sa umiiral na batas at polisiya.

Nauna nang sinabi ni SILG Jonvic Remulla sa ginanap na briefing ng House Committee on Approriations sa panakulang budget ng DILG na bumibili ang PNP ng 10 libo hanggang 20 libong bagong body-worn camera na may AI ngayong taon.

Facebook Comments