Mga ahensya, telcos, at iba pang stakeholders, pinaglalatag ng solusyon sa naglipana ngayon na call scams

Kinalampag ni Senator Grace Poe ang mga kaukulang ahensya, telecommunications companies at iba pang stakeholders na maglatag ng solusyon sa naglipana ngayon na call at text scams.

Ayon kay Poe, ang biglang pagtaas na naman ng scam calls sa unang quarter ng taon ay nakakabahala gayong mayroong batas na SIM Registration Law at ipinagbawal na ang mga POGO.

Nauuso ngayon sa scam calls ang voice phishing o vishing attacks na bumibiktima sa mga kababayan ngayon na nagreresulta sa identity theft at financial losses.

Tinukoy ni Poe na nakapaloob sa batas ang paggamit ng SIM at legal na batayan para parusahan ang maling paggamit nito.

Iginiit ni Poe na tiyaking mapaparusahan ang mga nasa likod ng call scams dahil kung hindi ay magkakalakas loob lamang ang mga ito na ipagpatuloy ang kanilang iligal na gawain.

Batay sa report ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), tumaas sa 225.17% o halos 351,700 ang kaso ng scam calls mula January hanggang March 2025 mula sa halos 108,160 cases sa kaparehong period noong nakaraang taon.

Facebook Comments