Wednesday, June 24, 2026

NBI, magsasampa ng kaso laban kay dating Rep. Mike Defensor, kaugnay sa sinalakay na KTV bar sa Pasig City

Kakasuhan na ng National Bureau of Investigation o NBI si dating Rep. Mike Defensor kaugnay ng sinalakay na KTV bar sa Pasig City.

Sinabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag, kasong human trafficking ang isasampa nila sa Biyernes sa Pasig City Prosecutor’s Office matapos ang pagsalakay sa KTV bar noong Abril 21.

Lumalabas na binago ang istruktura nang hindi ipinaalam sa City engineering Office ng lungsod.

Iginiit ni Matibag, alam lahat ni Defensor ang naging pagbabago sa building partikular na ang pagpapalit sa kwarto at opisina para ma-cater ang human trafficking.

Kung maalala kinasuhan ng ahensya ang misis ng dating Rep na Rose Defensor, at anak nilang si Miguel Gabriel Defensor.

Facebook Comments