21 MAGKASINTAHAN, PINAG-ISANG DIBDIB SA LIBRENG KASAL 2026 BATCH 2 SA ALAMINOS CITY

Dalawampu’t isang pares ng magkasintahan ang ikinasal sa isinagawang Libreng Kasal 2026 Batch 2 na ginanap sa Alaminos City.

Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ang seremonya bilang bahagi ng patuloy na programang naglalayong tulungan ang mga magkasintahang gawing legal at ganap ang kanilang pagsasama.

Sa pamamagitan ng libreng kasal, nabibigyan ng pagkakataon ang mga magkasintahan na maisakatuparan ang kanilang pangarap na makapagpakasal nang hindi na iniintindi ang mga gastusin at iba pang kinakailangang proseso.

Taun-taon itong isinasagawa sa pangangasiwa ng City Civil Registrar’s Office (LCRO) sa pamumuno ni LCRO Lovely De Castro-Milles, katuwang ang iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lungsod upang matiyak ang maayos at matagumpay na pagdaraos ng naturang programa. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments