Tuesday, June 23, 2026

Kampo ni dating Ateneo coach Tab Baldwin, naging matipid sa katanungan ng media sa kanilang pagharap sa NBI

Naging matipid sa pahayag sa media ang kampo ni resigned Ateneo basketball coach Tab Baldwin.

Sa ambush interview sa National Bureau of Investigation (NBI), tiniyak ni Atty. Daniel Darvin, isa sa mga abogado ni Baldwin, ang kanilang kooperasyon sa fact-finding investigation ng bureau.

Nagpaabot din ng pakikiramay si Atty. Darvin sa mga naiwang pamilya nina Ateneo student-athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.

Tumanggi naman si Baldwin na magbigay ng pahayag sa mga katanungan ng media.

Facebook Comments