Friday, August 21, 2026

Ninoy Aquino Day, paalala sa paninindigan at tapang ng mga Pilipino para sa demokrasya — PBBM

Paninindigan sa kalayaan at demokrasya ang dapat iwanang aral ng paggunita sa Ninoy Aquino Day ngayong araw.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ang alaala ni Ninoy ay sumasalamin sa tapang ng mga Pilipinong handang manindigan sa kanilang mga prinsipyo at makibahagi sa paghubog ng demokrasya.

Mahalaga aniyang gamitin ang mga aral ng nakaraan upang mapangalagaan ang kalayaan, mapalakas ang mga institusyon at mapatatag ang pagkakaisa ng bansa.

Kabilang sa mga hamon ngayon ang disinformation, pagkakahati-hati at kawalan ng tiwala, kaya hinimok ng Pangulo ang mga Pilipino na maging mapagmatyag at aktibong makilahok sa mga usaping pambansa.

Tiniyak naman ng Pangulo na mananatiling nakatuon ang administrasyon sa pagtatanggol sa soberanya, pagpapatupad ng batas at pagtiyak na ang kalayaan ay may kasamang tunay na oportunidad para sa bawat Pilipino.

Facebook Comments