Mga barangay officials, inatasan ni Pangulong Duterte na hulihin ang mga pasaway na unvaccinated na lalabas ng bahay

382

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng barangay na huwag hayaang makalabas ng bahay ang mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.

Sa kaniyang talk to the people, sinabi ng Pangulo na bilang chief executive ay kinakailangang gumawa siya ng hakbang lalo na ngayong nasa national emergency tayo.

Kasunod nito, dapat aniyang arestuhin ang mga unvaccinated na hindi makikipagtulungan sa mga kinauukulan.


Facebook Comments