Wednesday, July 29, 2026

Halos 300 pasahero, apektado ng kanselasyon ng dalawang flights dahil sa sama ng panahon —CAAP

Halos 300 ang bilang ng mga pasaherong apektado ng kanselasyon ng mga flights ngayong araw dahil sa sama ng panahon.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, kabuuang 287 ang bilang ng mga apektadong pasahero ng flight PR 2018 at flight PR 2019 as of 11AM.

Ang flight PR 2018 ay may 157 na pasahero habang ang PR 2019 ay may 130 na pasahero.

Inabisuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline company para sa rebooking schedule.

Facebook Comments