
Tintayang aabot sa isang oras at 20 minuto ang ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, ito ang inaasahang haba ng talumpati batay sa isinagawang final rehearsal ng pangulo.
Bagama’t hindi pa inilalabas ng Malacañang ang buong nilalaman ng SONA, sinabi na noon ni Pangulong Marcos na kabilang sa kanyang tatalakayin ang naging tugon ng pamahalaan sa mga hamong dulot ng tinawag niyang “external forces,” kabilang ang epekto ng krisis sa Middle East.
Kabilang dito ang mga hakbang para maibsan ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis, gaya ng fuel subsidy para sa halos isang milyong PUV drivers, magsasaka at mangingisda, at pinalawak na cash assistance para sa mahigit apat na milyong pamilya sa ilalim ng UPLIFT framework.
Kamakailan, kinilala rin ng Asian Development Bank ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang may pinakamalawak na hanay ng mga hakbang upang mabawasan ang epekto ng sigalot sa Middle East sa ekonomiya.










