
Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na patuloy silang makikipagtulungan sa Office of the Ombudsman sa pagpapanagot ng mga nagnakaw sa kaban ng bayan.
Sa isang pahayag, sinabi ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez na nagpapasalamat sila kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa tiwala nito sa National Prosecution Service.
Malinaw aniya ang mensahe ng Pangulo na ibalik ang ninakaw sa taumbayan at mapanagot sa mga korte ang sinumang nagkasala.
Sa ngayon ay nasa P841 million na ang perang nabawi mula sa mga sangkot sa flood control anomaly at naibalik na sa National Treasury.
Sa kabila nito, magpapatuloy ang kanilang pagbawi sa pera ng mga Pilipino.
Facebook Comments










