MGA BATANG LIDER NG DAGUPAN, HANDA NANG MAGLINGKOD SA MYK 2026

Pormal nang binuksan ang Manlingkor ya Kalangweran (MYK) 2026, isang youth leadership program na naglalayong hubugin ang susunod na henerasyon ng mga lider ng Dagupan City at bigyan sila ng pagkakataong maranasan ang paglilingkod-bayan.

Sa isinagawang opening ceremony, binigyang-diin ng mga opisyal ang mahalagang papel ng kabataan sa paghubog ng kinabukasan ng lungsod. Ayon sa mensahe para sa mga kalahok, ang mga batang lider ngayon ay maaaring maging mga guro, doktor, inhinyero, negosyante, lingkod-bayan, at pinuno ng komunidad sa hinaharap.

Ipinahayag din na ang Manlingkor ya Kalangweran ay nananatiling isa sa pinakamahalagang programa para sa kabataan sa Dagupan dahil nagbibigay ito ng pagkakataon sa mga mag-aaral na lumampas sa karanasan sa loob ng silid-aralan at matutunan mismo ang kahalagahan ng pampublikong serbisyo.

Hinimok din ang mga kalahok na maging tagapagtaguyod ng mga programang Bayang Bumabasa at SAFEnet, na naglalayong palakasin ang kultura ng pagbabasa at isulong ang ligtas at responsableng paggamit ng teknolohiya. Binigyang-diin na malaki ang impluwensiya ng mga kabataan sa kanilang kapwa mag-aaral at sa mas nakababatang henerasyon, lalo na sa paghikayat sa pagbabasa at pagkatuto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments