Friday, May 8, 2026

MGA DAGUPENO, HATI ANG PANANAW SA PANUKALANG TOTAL BAN SA VAPE

Isinusulong ng Department of Health, ang total ban sa Vape Shops at vape products dahil sa umano’y masamang dulot nito sa kalusugan, kung hindi man posibleng ipagbawal, nararapat lamang na lagyan ng mas mahigpit na restriksyon.

Sa Dagupan City, hati ang opinyon ng mga residente kaugnay ng usapin.

May ilan ang sumasang-ayon sa posibleng pagbabawal ng vape, sa layuning mabawasan ang addiction at maprotektahan ang kalusugan ng kabataan at susunod na henerasyon, habang ilan din ang tumutol.

Samantala, ayon naman kay Daiko, isang vape shop owner, mahihirapan umano sila sakaling ipatupad ang pagbabawal ng vape sa rehiyon, lalo na sa Lungsod ng Dagupan.

Ayon sa Department of Health, mas mainam umano na gawing plain tobacco na lamang ang mga produktong ito at tanggalin na ang iba’t ibang flavoring upang maiwasan ang pagkahumaling ng mga kabataan.

Giit pa ng DOH, mapanganib ang e-cigarettes at iba pang produktong tabako dahil maaari itong magdulot ng cardiovascular disease, cancer, at iba pang sakit sa baga.

Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na opisyal na pahayag ang DOH kung kailan ipatutupad ang naturang panukala sa buong rehiyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments