
Buo ang suporta ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano sa pagsusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapalawig hanggang sa P350,000 mula sa kasalukuyang P250,000 ang halaga ng kabuuang sweldo sa loob ng isang taon na exempted sa buwis.
Bunsod nito ay umaasa si Valeriano na sa hinaharap ay tataas pa hanggang P500,000 ang income tax-exempt threshold upang mas malaking halaga ang maiuwi sa kanilang pamilya ng mga ordinaryong manggagawa.
Diin ni Valeriano, malaking ginhawa ito para sa mga nabibilang sa middle class na siyang pumapasan sa bawat buwis na ipinapataw ng pamahalaan.
Ayon kay Valeriano, bawat pisong hindi na mapupunta sa buwis ay magiging dagdag na pambili ng pagkain at gamot, pambayad sa upa ng bahay at matrikula sa eskwela.










