Monday, August 3, 2026

Ibibilis ng impeachment trial, naka-depende sa estratehiya ng prosekusyon —SP Gatchalian

Nakasalalay ngayon sa estratehiya ng prosekusyon ang ibibilis ng impeachment proceedings sa Mataas na Kapulungan.

Ayon kay Senate President Win Gatchalian, ang bola ngayon ay nasa prosekusyon at dedepende ang pag-usad ng proseso ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa mga ilalabas na ebidensya.

Kung sa tingin ng prosekusyon na mayroon na silang sobrang matibay na ebidensya, posibleng hindi na kailanganin ang ibang testigo.

Nangyari aniya ito sa Article 4 ng articles of impeachment o ang umano’y grave threat ni VP Sara kay Pangulong Bongbong Marcos at sa pamilya nito kung saan hindi na pinaharap ang anim pa sana sa prosecution witnesses dahil sapat na ang mga testimonya at ebidensya ng mga naunang naisalang na testigo.

Sinabi ni Gatchalian na humaba lang naman ang impeachment trial days dahil higit 100 ang testigo dagdag pa ang mga ebidensyang ipiprisinta at sa kada isang araw ay isang witness lang ang haharap depende pa kung maie-extend ito kinabukasan dahil sa mga sasabihin pa ng testigo.

Facebook Comments