Mga debotong dumagsa sa Simbahan ng Quiapo para sa Pista ng Itim na Nazareno, halos 350,000 na!

Umabot na sa 347,050 ang bilang ng mga debotong dumating sa Quiapo Church para sa Pista ng Itim na Nazareno.

Batay sa pinakahuling datos ng Quiapo Command Center, mula alas-3:00 hanggang alas -4:00 ng hapon ay nasa 79,300 ang mga debotong dumalo sa misa.

Higit na mas mataas ito kumpara sa bilang ng dumagsang deboto sa naunang misa na nasa 17,600.


Sa kasalukuyan, idinaraos na sa Quiapo Church ang ika-27 misa mula kahapon ng alas-3:00 ng madaling araw.

Habang magpapatuloy pa ang hourly masses hanggang mamayang gabi kung saan may anim pang natitirang misa.

Nasa 122,540 naman ang mga debotong dumagsa Quirino Grandstand para sa pagpupugay ngayong araw.

Samantala, bagama’t nasa 29 ang tinamaan ng hypertension at apat ang nahilo ay wala namang naitatalang major emergency incident sa selebrasyon.

Facebook Comments