Mga Eksena Pag-sasakay ng Jeepney o PUVs

Lahat tayo ay may pwedeng mabahagi na kwento sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan.

  1. EXTRA JOB – Ung magrereview ka sana pero dahil ang puwesto mo bandang likod ng driver or bandang ginta sa tuwing may magbabayad ikaw ang taga abot ng bayad at sukli.
  2. TIIS GANDA- Sumakay ka na akala mo pang dalawahan pa pero ang totoo halos hindi na magkasya ang pwet mo sa pagkakaupo.
  3. ASSUMING NAKA PRIVATE CAR – Ung makaupo na naka ’sideview’ with matching nakadungaw pa sa binta mistulang donya o beauty queen kung pumustura. Or mga lalaking hindi nila maipit un kaya upong 45 degrees.
  4. AROMATIC – hindi ka naman masilan pero isang umaalingasaw na amoy ang magiging dahilan ng pagkahilo o pagkasira ng araw mo.
  5. FIRST COME FIRST SERVE – Ung sumakay pero parang hindi mo alam kung saan ka pwe-pwesto.
  6. STORYTELLERS – mga nakasakay na panay ang kwento o pagkanta.
  7. HUDAS – Pasaherong binabasa ung karatolang ‘God knows hu das not pay’ pero walang epik. Kasabay ng pagharorot ng jeep ay sya ring kasabay ng pagkaripas nila.

Anu mang eksena ang meron sa jeep/puv bestfriend huwag na huwag mong kakalimutan ang ika-7 sa ating listahan. Kawawa namang si mamang tsuper na araw-araw kung gaygayin nya ang lansangan. Ikaw anong eksena na ang natunghayan o na-experience mo sa pag-sakay sa jeep o puv?


Photo credited to Google Images

Facebook Comments