Inaasahang aabot sa 16,000 hanggang 17,000 kalahok ang dadagsa sa gaganaping Run For Safe 2026 sa Abril 25, ayon sa anunsyo ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan sa isinagawang flag raising ceremony noong Lunes, Abril 20.
Batay sa ulat ng LGU, tinatayang nasa 10,000 hanggang 12,000 na ang nairehistrong kalahok ilang araw bago ang aktwal na fun run.
Ang naturang fun run ay bahagi ng kampanya ng lungsod sa ilalim ng SAFEnet o Secure and Abuse-Free Environment Network Na pinalalakas ang proteksyon laban sa pang-aabuso at ibat ibang uri ng exploitation, lalo na sa mga kabataan.
Samantala, inaasahan din ang pagdalo ni Sen. Risa Hontiveros upang bigyang suporta ang naturang inisyatiba. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










