MGA FUTURE SCHOLARS NG DAGUPAN, BINIGYAN NG INSPIRASYON AT GABAY NG PAMAHALAANG LUNGSOD

Personal na nakipagpulong ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan sa 393 future scholars upang hikayatin ang mga ito na pagbutihin ang kanilang pag-aaral at ipagpatuloy ang pagsusumikap tungo sa pagkamit ng kanilang mga pangarap.

Isinagawa ang pagtitipon sa City Mayor’s Office matapos ang seremonyal na pamamahagi ng educational assistance at turnover ng mga tent at upuan sa ilalim ng programang Bawat Barangay Makikinabang (BBM) na ginanap sa City Plaza.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng alkalde na ang edukasyon ang susi sa mas maliwanag na kinabukasan, hindi lamang para sa mga mag-aaral kundi maging sa kanilang mga pamilya at sa buong lungsod.

Ipinaalam din sa mga estudyante ang iba’t ibang proyekto, programa, at libreng serbisyong ipinatutupad ng Pamahalaang Lungsod na maaari nilang mapakinabangan habang ipinagpapatuloy ang kanilang pag-aaral.

Nananatili umanong prayoridad ng lungsod ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga kabataan na makapag-aral at maabot ang kanilang mga pangarap.

Binigyang-diin din ng pamahalaang lungsod na ang tagumpay ng bawat mag-aaral ay tagumpay rin ng buong Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments