Wednesday, June 24, 2026

Baril na ginamit ng 15 years old na suspek sa shooting incident sa loob ng paaralan sa Tacloban CIty, na-trace sa dalawang lugar

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. na na-trace sa dalawang lugar ang .38 calibre revolver na baril na ginamit ng 15 years old na suspek sa shooting incident sa loob ng pampublikong paaralan sa Tacloban City.

Aniya, ang serial number ng nasabing baril ay na-trace sa isang security agency sa Cebu.

Ngunit nang tanungin naman kung nasaan ang aktuwal na presensya nito, ito ay na-trace naman sa Bohol.

Dahil dito ay iniimbestigahan na kung bakit dalawa ang nakikitang baril na ng pulisya

Kaugnay nito, kinumpirma ng PRO8 na nai-file na nila ang 3 counts of Murder, 3 counts of Frustrated Murder, at Multiple counts ng Serious Physical Injuries laban sa nasabing menor de edad.

Nabatid na ang nasabing shooting incident ay nagresulta sa pagkakasawi ng tatlong mga estudyante at 20 mga estudyanteng sugatan.

Sa ngayon, mananatili naman sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga nasabing Children in Conflict with the Law.

Facebook Comments