Wednesday, June 24, 2026

ARAW-ARAW NA CLEAN-UP DRIVE, TULOY-TULOY SA ALAMINOS CITY

Patuloy ang isinasagawang araw-araw na Clean-up Drive sa barangay Poblacion ng Alaminos City bilang bahagi ng kampanya para sa kalinisan at pagpapanatili ng maayos na kapaligiran.

Kabilang sa mga gawain ang pagpuputol at pagtatabas ng mga sanga ng puno at damong ligaw na nagdudulot ng pagkipot ng mga kalsada, paglilinis ng mga kanal upang maiwasan ang pagbabara, at pag-alis ng mga basurang nakatambak sa mga lansangan.

Ang naturang inisyatiba ay para umano ipakita sa komunidad ang kahalagahan ng kalinisan at disiplina sa kapaligiran.

Hinihikayat din ang mga residente na magsimula sa sariling mga bakuran sa pamamagitan ng regular na paglilinis at tamang pagtatapon ng basura upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na dulot ng maruming paligid.

Mahalaga rin umano ang pakikiisa ng bawat mamamayan upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan sa barangay at magsilbing mabuting halimbawa sa iba, na inuuna ang kapakanan ng nakararami kaysa pansariling interes. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments