Thursday, September 3, 2026

Mga guro na tatayong tutor sa ARAL Program ng DepEd, makakatanggap ng teaching overload pay o vacation service credits

Makakatanggap ng teaching overload pay o vacation service credits ang mga guro sa pampublikong paaralan na magsisilbing tutor sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program ng Department of Education (DepEd0.

Ayon sa DepEd nitong Miyerkules, June 17, magsisilbing remedial classes at maki-credit bilang bahagi ng kanilang teaching load ang tutorial sessions ng mga guro sa nasabing programa.

Ibig sabihin, makakatanggap ng teaching overload pay ang mga guro na magri-render ng tutorial services tuwing weekdays sakaling isagawa ito nang lagpas sa 6 na oras ng kanilang pagtuturo sa silid-aralan.

Habang ang mga guro naman na magtuturo sa weekend, holiday, at long vacation periods ay maaari namang makakuha ng Vacation Service Credits.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, ito ang hakbang ng departamento para mapunan ang learning gaps ng mga estudyante sa bansa nang hindi napiperwisyo ang mga guro.

Gumagawa na rin umano ng paraan ang departamento para mapabilis ang pagre-release ng pondo ng nasabing programa para masuportahan ang mga guro o tutor.

Facebook Comments