Tuesday, September 1, 2026

Defense Team ni VPSD, pinabulaanan ang posibilidad na may tampering of witness kasunod nang pagiging testigo ni Atty. Michael Poa para sa prosekusyon

Pinabulaanan ng Defense Team ni Vice President Sara Duterte (VPSD) ang posibilidad na may Tampering of Witness kasunod ng pagiging testigo ni Atty. Michael Poa sa nagpapatuloy na Impeachment Trial sa Senado.

Nabatid na kinuha ng prosekusyon si Atty. Poa para tumestigo sa Article 1 ng Impeachment Complaint laban kay VPSD kaugnay ng maling paggamit nito ng confidential funds.

Ayon kay Defense Counsel Atty. Justin Gular, wala sa court room at wala rin sa holding room ng defense team si Atty. Michael Poa bilang respeto sa Impeachment Court at matiyak ang kanyang integridad bilang testigo ng prosekusyon.

Aniya nasa holding room ito ng mga regular witnesses na matatagpuan lang din sa Senado.

Ibinahagi rin nya na wala na silang komunikasyon ni Atty. Poa pagkatapos ng impeachment trial noong nakaraang linggo.

Bukas inaasahan na isasalang na si Atty. Poa sa impeachment court bilang testigo ng prosekusyon.

Facebook Comments