MGA GURO SA DULAG NATIONAL HIGH SCHOOL SA BINMALEY, NANGUNA SA ARAW-ARAW NA BAG INSPECTION SA ILALIM NG OPLAN LIGTAS ESKWELA
Nanguna ang mga guro ng Dulag National High School sa Binmaley, Pangasinan sa pagpapatupad ng araw-araw na bag inspection sa mga mag-aaral bago sila makapasok bilang bahagi ng Oplan Ligtas Eskwela.
Ayon sa ulat ng paaralan, by schedule ang pag-inspeksyon ng mga guro, katuwang ang mga opisyal ng Supreme Secondary Learner Government (SSLG) at sa koordinasyon ng Binmaley Municipal Police.
Sinusuri ang mga bag para masiguro na walang ipinagbabawal o anumang bagay na maaaring magdulot ng panganib ang naipapasok sa loob ng paaralan.
Kasabay nito, nagsasagawa rin ang mga class adviser ng masusing pagbabantay sa loob ng kanilang mga silid-aralan para sa kaligtasan ng lahat ng mag-aaral.
Batay sa paaralan, ipinatupad ang inisyatiba ng mga kinatawan ng mga paaralan sa ilalim ng kanilang Oplan Ligtas Eskwela para sa buong komunidad ng paaralan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments