Huli sa CCTV ang pagnanakaw ng lalaking ito sa isang shop sa Binmaley, Pangasinan, madaling araw ng July 2, 2026.
Sa ibinahaging cctv footage ng may-ari, kitang-kitang ang mabagal na kilos nito at paglimas sa perang kinita ng naturang shop.
Ayon sa Binmaley Police Station, higit kumulang 15,500 pesos umano ang hinihinalang kabuuang nanakaw ng suspek.
Samantala, may person of interest na ang pulisya ngunit patuloy pa rin ang kanilang imbestigasyon sa nasabing insidente.
Nagpaalala naman ang hanay na agad dumulog sa kanilang tanggapan ng pulisya para sa agarang aksyon sa ganitong klase ng insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments






