
Isinumite na sa Senado ang mga libro ng 2027 National Expenditure Program o ang pambansang pondo sa 2027 na aabot sa P7.2 trillion.
Inanunsyo ni Senate President Sherwin Gatchalian sa sesyon na nai-transmit na sa kanila ang national budget hudyat na simula na ng budget season.
Dinala nina acting Budget Secretary Kim Robert De Leon at Presidential Legislative Liaison Office Secretary Joey Salceda ang mga kopya ng pambansang budget na tinanggap naman nina Gatchalian, Finance Committee Chairman JV Ejercito at Senate Majority Leader Migz Zubiri.
Sinabi ni Gatchalian na sa August 27 isasagawa ang unang pagdinig para sa budget sa pangunguna ni Ejercito.
Dahil mayroong impeachment trial at plenary sessions tuwing Lunes hanggang Miyerkules, idaraos naman ang budget hearings sa Huwebes at Biyernes.










