Tuesday, August 11, 2026

Mga ginagawang flood control measures ng pamahalaan, epektibo na —PBBM

Para kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., epektibo na ang mga isinagawang flood control measures, pero hindi pa ito sapat para tuluyang malutas ang problema sa baha.

Ayon sa pangulo, kapansin-pansin ang pagbabago dahil mas mababaw na ang baha at mas mabilis nang humuhupa ang tubig matapos buksan ang mga kanal at ipagpatuloy ang dredging.

Gayunman, aminado ang pangulo na hindi pa ito sapat at marami pang kailangang gawin ang pamahalaan sa mga proyekto kontra-baha.

Kabilang dito ang tuloy-tuloy na dredging sa mga ilog at spillway, na aniya ay 12 taon ding natigil dahil sa moratorium.

Iginiit ni Marcos na bahagi ng pangmatagalang plano ang paghahanap ng paraan para mapigilan at maipon ang tubig bago pa ito bumaba sa mga komunidad, kasabay ng pagpapatuloy ng iba pang flood control projects.

Facebook Comments