Top 3 Most Wanted Person sa antas munisipal ang naaresto ng pulisya sa isang isinagawang law enforcement operation sa Mapandan.
Ayon sa ulat, matagumpay na nadakip ng mga tauhan ng Mapandan Police Station ang suspek na isang 27 anyos na tindero ng isda at residente rin ng nasabing bayan.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng mga kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 at Rape. May itinakdang piyansa na ₱80,000 para sa paglabag sa R.A. 7610, ₱120,000 para sa kasong rape, at karagdagang ₱80,000 para sa Section 10(a) ng naturang batas.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng Mapandan Police Station ang suspek habang inihahanda ang mga kaukulang legal na hakbang laban sa kanya.
Facebook Comments










