Tuesday, September 8, 2026

Mga indibidwal na nagkasakit ng leptospirosis, pawang mga walang trabaho —DOH

Nasa 55% ng kabuuang bilang ng mga tinamaan ng leptospirosis sa National Capital Region (NCR) ay mga walang trabaho.

Ito ang inulat ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante sa isinagawang Special Health Forum ng Philippine College of Physician ngayong araw.

Ayon kay Dr. Solante, base sa datos ng Department of Health (DOH), 1,084 leptospirosis patient ay walang mga trabaho at sumunod dito ay mga estudyante o katumbas ng 190 na kaso.

Ilan rin sa mga tinamaan ng sakit ay mga driver o rider, construction worker, market worker o mga vendor, laborer, at factory worker.

Kaugnay nito, 267 naman sa mga tinamaan ng leptospirosis ay hindi tukoy ang trabaho kung saan lahat sila ay natutukan at minonitor ang kalagayan.

Muli naman paalala ni Dr. Solante na ang pag-iingat ang mabisang paraan upang maiwasan na magkasakit ng leptopirosis kung saan hinihikayat niya ang mga lumusong sa baha na magpakonsulta para masiguro na ligtas sa naturang sakit.

Facebook Comments