
Nilinaw ni Vice President Sara Duterte na payo ng kaniyang mga abogado ang magpiyansa kaysa makulong o manatili sa kustodiya ng pulisya, matapos maglabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court, Branch 98 para sa 3 kaso ng grave threats.
Sa opisyal na pahayag ng bise presidente sa kaniyang Facebook page ngayong Sabado, Sept. 5, naniniwala ang kaniyang kampo na mas ligtas at mapoprotektahan siya ng mga sibilyan sa labas, kaysa sa detention facility, lalot nakakaranas umano ng panggigipit at pangha-harras mula sa gobyerno ang bise presidente simula pa noong 2023.
Dagdag pa rito, pinangangambahan din umano ng bise presidente ang kaligtasan ng kaniyang ina at mga anak.
Facebook Comments










