Tuesday, September 8, 2026

PBBM, zero instructions kaugnay ng pagkakaaresto kay dating House Speaker Romualdez –DILG Sec. Remulla

Ibinahagi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na zero instructions si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos kaugnay ng pagkakaaresto ni dating House Speaker Martin Romualdez.

Aniya, parang kapatid na ang turing ng Presidente kay Romualdez at hindi umano madali para sa Pangulo ang sinapit ng kanyang pinakamalapit na pinsan.

Gayunpaman, ayon kay Remulla, walang kahit na anong instructions ang Pangulo para sa nasabing dating house speaker na nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng anomalya sa flood control projects na isinampa sa kanya ng Sandiganbayan kasama nina Zaldy Co at ng dalawang iba pa.

Facebook Comments