
Tinawag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na ‘National Bureau of Imbento’ ang National Bureau of Investigation (NBI).
Mensahe ito ni Leviste sa kanyang Facebook page makaraang maghain ang NBI sa Department of Justice (DOJ) ng kasong qualified human trafficking laban sa kanya gayundin kay dating Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras at limang iba pa.
Nag-ugat ang kaso sa umano’y “honey trap” plot nina Leviste laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
Pero giit ni Leviste, nag-iimbento lang ng kalokohan ang NBI gamit ang buwis habang lubog ang bayan.
Diin ni Leviste, nakakaawa ang nangyayari ngayon sa ating bansa.
Facebook Comments










