
Kailangan ng Malacañang ang political will para maipatupad ang mga hakbang laban sa lumalalang pagbaha at epekto ng climate change.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, mahalaga rin ang pakikipagtulungan ng publiko upang maging epektibo ang mga hakbang ng pamahalaan.
Kabilang dito ang pagtanggal sa mga bara at iba pang sagabal sa mga daluyan ng tubig na nakikitang nagpapalala sa pagbaha.
Sinabi ni Castro na kailangan ang matatag na pagpapatupad ng mga anti-flooding measure upang makamit ang layuning mabawasan ang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Binigyang-diin niyang hindi na maaaring ipagpaliban ang mga kinakailangang aksiyon dahil patuloy na lumalala ang problema sa baha, na pinalalala rin ng climate change.
Facebook Comments










