
Nagtitipon pa rin sa Liwasang Bonifacio ang grupo ng mga magsasaka mula sa Batangas.
Ito ay matapos nilang lumahok sa kilos-protesta na isinagawa sa Welcome Rotonda sa Quezon City kanina.
Ayon kay Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste, karamihan sa mga ito ay mananatili sa Liwasan habang may iba naman na magsisiuwian na sa kanilang lalawigan.
May mga kaniya-kaniyang tent na itinayo sa parke at ito na raw ang kanilang ika-24 araw ng pananatili dito para ilabas ang kanilang hinaing.
Kabilang dito ang panawagan na itaas ang sahod, ibaba ang Value Added Tax at ang maayos na tugon sa nararanasang krisis sa langis.
Facebook Comments










