Friday, May 1, 2026

Philippine Consulate sa Hong Kong, nagbabala sa panganib ng surrogacy job doon

Nagbabala ang Philippine Consulate sa Hong Kong, sa panganib ng surrogacy job doon.

Ayon sa Konsulada ng Pilipinas, ang mga Filipina surrogate mothers na pumasok sa ibang bansa gamit ang tourist visa ay hindi makahingi ng tulong mula sa mga lokal na awtoridad kapag sila ay sinibak ng kanilang mga handler.

Hindi rin aniya sila matutulungan ng Hong Kong authorities kapag pinalaglag ang kanilang pinagbubuntis.

Kaugnay nito, hinihimok ng Philippine Consulate ang mga Pilipina na sa halip na makipagsapalaran bilang surrogate mother ay maghanap na lamang ng trabaho sa tulong ng lisensyadong Philippine Recruitment Agencies at sumunod sa lahat ng pre-departure requirements.

Facebook Comments