Wednesday, May 20, 2026

PBBM, umaasang makatutulong sa ekonomiya ng mundo ang pag-uusap nina Trump at Xi

Positibo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong sa kapayapaan at ekonomiya ng mundo ang naging pag-uusap nina US President Donald Trump at Chinese President Xi Jinping.

Ayon sa pangulo, mahalagang tuloy-tuloy ang pag-uusap ng dalawang pinakamalalaking ekonomiya sa mundo lalo na sa gitna ng tensyon sa politika at ekonomiya.

Magandang senyales aniya ang direktang pag-uusap ng dalawang lider dahil mahalaga ang dialogue para maiwasan ang paglala ng sigalot.

Binigyang-diin din ng pangulo na hindi lang tungkol sa digmaan ang kapayapaan kundi pati sa kalakalan upang mabawasan ang trade wars at mapalakas ang ugnayan ng mga bansa.

Umaasa rin si Marcos na magkakaroon ng kasunduan sa trade, supply chains at iba pang usaping pang-ekonomiya na makaaapekto sa buong mundo.

Facebook Comments