Mga kaibigan at kaklase ng criminology student na nasawi sa hazing, nananawagan ng hustisya

Nakiramay ang mga naiwang kaibigan, kaklase, at batchmates ng 4th-year BS Criminology student na si Ahldryn Leary Chua Bravante sa pagkawala nito.

Isa-isang nagtirik ng mga kandila ang mga ito sa labas ng paaralan at nagtali ng itim na tela kasabay ng pag-alay ng dasal.

Hiling ng mga estudyante na mapanagot at mabigyan ng hustisya ang sinapit ni Bravante na nasawi dahil sa hazing.


Nauna nang naglabas ng pahayag ang Philippine College of Criminology (PCCR) na hindi nila kinukunsinte ang ganitong uri ng iligal at bayolenteng gawain.

Hindi rin nila pinapayagan at kinokondena ang anumang organisasyon na magsagawa ng hazing o anumang pananakit sa mga estudyante.

Matatandaan na apat sa 12 suspek sa pagkamatay ni Bravante ang hawak na ng pulisya kung saan patuloy na nanawagan ang Quezon City Police District (QCPD) sa iba na kusa ng sumuko.

Facebook Comments