Lumahok ang mga kawani ng City Cooperative Development Office (CCDO) sa isang legal orientation tungkol sa Data Privacy Act of 2012 at Labor Laws bilang bahagi ng pagdiriwang ng Cooperative Month 2026.
Batay sa pahayag, kabilang sa mga tinalakay ang R.A. 10173 o Data Privacy Act of 2012, na naglalayong protektahan ang personal na impormasyon ng bawat isa.
Samantala, ipinaliwanag ni Senior Labor and Employment Officer Mhel S. Gaspar ang mga mahahalagang probisyon ng Labor Laws, kabilang ang mga karapatan at tungkulin sa trabaho.
Target umano nitong dagdagan ang kaalaman ng mga kawani ng CCDO sa mga batas na mahalaga sa kanilang trabaho at pakikitungo sa mga tao at kooperatiba. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments











