Isang 2,300-square-meter na lupain ang idinonate ng isang businessman, educator, at philanthropist na si Cesar Duque para magamit sa pagpapatayo ng bagong paaralan sa Barangay Tebeng, Dagupan City.
Ayon kay Mayor Belen T. Fernandez, sinimulan na ang paghahanda para sa bagong plano ng lugar sa tulong ng City Engineer’s Office at DepEd Dagupan.
Kabilang sa mga nakaplanong pasilidad ang isang tatlong-palapag na gusali, karagdagang classrooms, library, school clinic, at MBTF gymnasium.
Batay sa ulat, nais umano ni Duque na maging Florencia Duque Elementary School ang pangalan ng paaralan bilang pag-alala sa ina nitong si Florencia Duque.
Para maisakatuparan ang proyekto, sinabi ng City Government na maghahanap ito ng kinakailangang pondo para sa mga pasilidad.
Inaasahan din ang pag-endorso ng Sangguniang Panlungsod sa panukalang pangalan ng paaralan, kasama ang koordinasyon sa DepEd at pagsunod sa mga kaukulang proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











