
Mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) sa paligid ng EDSA Shrine ngayong Linggo ng umaga.
Ito ay dahil sa isasagawang kilos-protesta ng iba’t ibang grupo ngayong alas-10 ng umaga bilang paggunita sa ika-54 na anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law sa bansa.
Kaugnay nito, nagsimula nang magtipun-tipon ang mga makikilahok mula sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Kabilang dito ang mga nasa Batasan mula kaninang alas-otso ng umaga.
May mga estudyante rin na nasa labas naman ng La Salle Greenhills dala ang mga placards na nananawagan ng pananagutan kontra korapsyon.
Facebook Comments










