Thursday, September 17, 2026

Pahayag na handa si VP Sara na pumalit kay PBBM, isang kahibangan ayon sa Palasyo

Kwinestyon ng Malacañang kung seryoso ba ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa kanilang pahayag na handa ang bise presidente na pumalit kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sakaling magbitiw ito sa pwesto.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, normal umano sa mga kaalyado ni VP Sara ang ganitong pahayag pero dapat itong tingnan kung seryoso at makatotohanan.

Muli ring tinawag ni Castro na “absolutely delusional” o isang kahibingan ang naturang pahayag.

Giit ng Palasyo, hindi dapat basta hinihingi ang pagbibitiw ng pangulo.

Facebook Comments