Mga lugar na nasa granular lockdown sa Metro manila, 88 na lang

33

Bumaba pa ang bilang ng mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown sa Metro Manila.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), mula sa 102 na naitala noong Huwebes ay nasa 88 na lang ngayon ang mga lugar na naka-granular lockdown.

Sa nasabing bilang, 63 ang mga bahay, labing anim ang residential buildings, at apat ang subdivisions.


Ito ay mahigpit na binabantayan ng 302 police personnel at 222 force multipliers.

Facebook Comments