Saturday, July 4, 2026

Mga magsasaka, dapat bigyang konsiderasyon sa kanilang utang

Hinimok ni Senator Imee Marcos ang LandBank na bigyang konsiderasyon ang mga magsasaka na may pagkakautang sa kanila.

Humigit-kumulang 2,000 maliliit na mga magsasaka ang nanganganib na mawalan ng sinasakang lupa dahil sa pagkakautang sa LandBank matapos malugi bunsod ng mababang presyo ng palay.

Tinukoy na hindi pinagbigyan ng LandBank ang hininging palugit at loan restructuring ng mga magsasaka.

Sinabi ni Sen. Imee na hindi naman hinihingi ng mga magsasaka na i-zero ang kanilang pagkaka-utang kundi kailangan lang ng mga magsasaka ng palugit at loan restructuring para makabayad sila sa kanilang obligasyon.

Iginiit pa ng senadora na bilang bangko ng pamahalaan, nararapat lamang na magpakita ang LandBank ng mas malaking konsiderasyon sa mga magsasaka sa pamamagitan ng loan restructuring at iba pang mekanismong makatutulong upang hindi sila mawalan ng lupa at kabuhayan.

Facebook Comments