Wednesday, July 1, 2026

235 na kumuha ng Shari’ah Special Bar Exams, nakapasa, dalawa nag-Top 1 sa pagsusulit —Korte Suprema

Inilabas na ng Korte Suprema ang resulta ng 2026 Shari’ah Special Bar Examinations.

Ayon kay Shari’ah Bar Chairperson Associate Justice Henri Jean Paul Inting, 799 mula sa 1,055 na aplikante para sa pagsusulit ang nag-exam noong day 1 habang 796 naman noong ikalawang araw.

Nasa 235 naman mula sa mga ito ang nakapasa o nakaabot sa 75% na passing grade.

Dalawa naman ang nanguna sa pinakamataas na marka na sina Van Regine Perlas at Ahmad Bato na kapwa may 89.15%.

Kumukumpleto sa Top 5 sina Cairah Cairodin, Michelle Lovely Go, Hanna Macapintal, at Sittie Ayesah Escander.

Isinagawa ang 2026 Shari’ah Special Bar Exams nitong May 24 at May 27 habang sa July 16 naman gaganapin ang oath taking ng mga nakapasa.

Facebook Comments