Pormal nang isinumite ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang panukalang badyet na nagkakahalaga ng ₱9.3 bilyon para sa taong 2027.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, layunin nitong matiyak na magagamit nang wasto ang pondong inilaan para sa mga programa at serbisyong nakatuon sa kalusugan, kaligtasan, at kapakanan ng mga Pangasinense.
Kabilang sa inilaang bahagi ng budget ay para sa serbisyong pangkalusugan. May ilalaan rin humigit-kumulang ₱600 million oara sa mga paghahanda upang matugunan ang mga sakuna tulad ng El Niño.
Binigyang-diin din ng pamahalaan ang kahalagahan ng maayos at responsableng paggamit ng pondo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
Kasunod ng pagsusumite, inaasahang daraan ang panukalang badyet sa kaukulang proseso ng pagsusuri at pag-apruba alinsunod sa mga umiiral na patakaran.
Patuloy namang ipinahayag ng pamahalaang panlalawigan ang pangakong maglingkod nang tapat at may malasakit para sa kapakanan ng bawat Pangasinense. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










