Mga mamumuno sa attached agencies ng DOTr, pinangalanan na

128

Nagtalaga si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng mga bagong opisyal na mamumuno sa mga sangay ng pamahalaan na nasa ilalim ng Department of Transportation (DOTr).

Itinalaga ni Pangulong Marcos si Cesar Chiong bilang acting general manager ng Manila International Airport o MIAA.

Nahirang naman si Edgardo Diaz bilang deputy director general ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.


Habang si Manuel Antonio Tamayo ay napiling deputy director general.

Sa ngayon, itinatalaga rin siya ni Transportation Secretary Jaime Bautista bilang acting director general.

Mananatili naman si Carmelo Arcilla bilang executive director ng Civil Aeronautics Board (CAB).



Si Ma. O Ranada Aplasca naman ang nahirang na bagong administrator ng Office for Transportation Security (OTS).

Napili naman si Hernani Nieves Fabia na maging administrator ng Maritime Industry Authority (MARINA).


Facebook Comments