
Iginiit ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano na settled issue na ng Supreme Court (SC) na mayroon criminal liability ang menor de edad na masasangkot sa krimen.
Pangunahing tinukoy ni Valeriano ang dalawang menor de edad na namaril sa San Jose National High School sa Tacloban City gayundin ang mga estudyanteng nanaksak sa loob ng paaralan sa General Trias at Cavite City.
Malaking tanong naman kay Valeriano kung paano naipasok ng 2 estudyante ang mga baril na ginamit nila kaya giit nya dapat magdeploy din ng mga pulis sa paligid ng mga eskwelahan.
Para kay Valeriano, gayundin kay Senior Citizens Party-list Partylist Rep. Ompong Ordanes, may pananagutan din ang prinsipal ng San Jose National High School sa nangyaring krimen.
kaya naman giit ni Valeriano at Ordanes, bukod sa pagsasampa ng kasong sa dalawang menor de edad na suspek ay dapat namang masuspinde ang principal.
Paliwanag pa ni Ordanes, ang mga suspek na kinse anyos pataas ay hindi protektado ng general exception sa juvenile justice.










